...

Saturday, October 22, 2011

GMA NETWORK RECORDS ITS HIGHEST NATIONWIDE LEAD IN OCTOBER!

Mas lalong lumaki ang kalamangan ng GMA Network sa nationwide ratings laban sa ABS-CBN, batay sa pinakahuling datos ng pinakapinagkakatiwalaang ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement.

Base sa partial data hanggang October 13 ng overnight ratings, naitala ng GMA ang pinakamalaking lamang sa nationwide ratings laban sa ABS-CBN sa total day household audience shares. Nakakuha ang GMA ng 35.8 share points, 7.4 points na mas mataas sa 28.4 points ng ABS-CBN.

Ang paglaki ng kalamangan ay pinapaniwalaang bunsod ng malakas na ratings performance ng mga programa ng GMA sa lahat ng timeblocks, lalo na sa primetime.

Sa morning block, mahigit doble naman ang itinaas ng national ratings lead ng Kapuso Network. Mula sa agwat na 4.1 points noong September, umakyat ito sa 9.2 points nitong partial October.



Sa afternoon block (12nn hanggang 6pm) na may malawak na followers sa buong bansa, pumalo sa 21 points ang lamang ng GMA sa ABS-CBN. Binubuo ang hit afternoon block ng GMA ng longest-running noontime variety show na Eat Bulaga, daytime locally-produced series na Pahiram ng Isang Ina, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Kung Aagawin Mo Ang Langit, Koreanovela na Cinderella Man, at ng gateway sa primetime na Daldalita.

Napalaki rin ng Kapuso Network ang mga supporters nito sa nationwide audiences sa primetime (6pm hanggang 12nn), na dahilan para lubhang matapyasan ang lamang ng kalabang istasyon sa partial October data.

Ang National Urban Philippines ay binubo ng Mega Manila (kung saan naroroon ang 58% ng total urban television households), Urban Luzon (na may 77% ng total urban television households including Mega Manila), Urban Visayas (13% ng total urban TV households), at Urban Mindanao (10% ng total urban TV households).

Ang weekday and weekend primetime offerings ng Kapuso Network nagdomina sa listahan ng overall top 15 programs sa key areas ng Mega Manila at Urban Luzon. Kabilang dito ang Iglot, Amaya, Munting Heredera, Time of My Life, Kapuso Mo, Jessica Soho, at Pepito Manaloto.

Ang banner newscast na 24 Oras na pinangungunahan nina Mike Enriquez at Mel Tiangco ang patuloy na pinaka-pinapanonood na newscast sa primetime sa audience-rich areas na Mega Manila at Urban Luzon. Sa partial October data, lalo itong dumidikit sa kalabang newscast sa Urban Visayas at Urban Mindanao.
Ang Nielsen TV Audience Measurement na ginagamit ng GMA ay ginagamit din ng 21 kumpanya – kasama rito ang dalawang local TV networks - TV5 at Solar Entertainment; Faulkner Media; CBN Asia; 13 advertising agencies at tatlong regional clients. Sa kabilang banda, ABS-CBN lang ang napaulat na tanging local major TV network na nagsusubscribe sa Kantar Media, dating kilala bilang TNS.

Nagsimulang maglabas ng ratings data sa Mega Manila ang Nielsen noong November 2000. Malaki ang sample size nito sa area na may 800 paneled homes kumpara sa 770 homes ng Kantar Media na nagsimulang maglabas ng ratings data noon lamang September 2007.Nationwide, nagsimulang maglabas ng ratings data ang Nielsen noong October 2006 at may mas malaking sample size na 2,005 homes kumpara sa 1,370 homes ng Kantar na nagsimula ng nationwide ratings service noon lamang February 2009.

Nakapagtala ang GMA Network ng 22% growth sa consolidated gross revenues mula sa regular advertising at subscription accounts nitong unang semestre ng 2011 kumpara sa parehong period noong nakaraang taon. (30)

No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...